..
Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang
kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo okey
lang... pero sobrang hirap...
Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka
sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal mo...
Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang
panahon magiging maayos din ang lahat... Sana
nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga na umaasa
sa wala...
Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal ka
ng taong mahal mo! yung tipong kayo na lang sana
at hindi ang babaeng nakikita mong kasama nya na
masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...
Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan... yung
tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang
problema... kung meron man parang, against all
odds ang settings... pero may nakabitin pa ring
tanong... ano kayang nangyari??? pero ang
kadalasang kasagutan e:
1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;
pero ito pinaka masakit;.
10.hindi pala nya talaga ako mahal (parang panakip
butas)
Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig
na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong
nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din
kaya natin na kung ano ang kahalagahan ng isang
bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga habang
nandyan pa! Minsan kasi, saka lang natin nalalaman
ang isang kahalagahan ng isang bagay pag wala na
ito sa atin!!!
kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi,
kinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao
kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa
ang isang bagay!!! subukan nating magpasalamat sa
kabila ng lahat...
A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil
sya ang dahilan para tumibay ka;
B. kung niloko ka nya... patawarin mo at
pasalamatan mo... dahil kung hindi sa kanya hindi
mo mararamdam ang sakit na pwede ding maramdaman
ng iba... at least hindi mo gagawain sa iba;
C. kung hindi ka nya minahal... pasalamatan mo!!!
dahil at least kahit papano na-feel mo na minahal
ka nya kahit hindi, pasalamat sya dahil ikaw
minahal mo sya ng buong buo;
minsan kailangan lang natin harapin kung ano man
ang nakasakit sa atin... piliting kalimutan...
piloting harapin kung ano ang noon... noon lang
yun... iba ang ngayon!!! dahil kung nasaktan ka
man noon, ngayon mag-iingat ka na at alam mo na
kung ano dapat at hindi para hindi masaktan.
mahalin mo ang mga taong nakasakit sayo dahil sila
ang dahilan para maging matibay ka!!!! para sa
susunod di kana basta-basta padalos-dalos.
pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo...
sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o ang
taong gusto mong mahalin???
ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniicip
mo bago matapos ang araw???
siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo o
siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo???
sino ba ang mas mahalaga... yung taong nais mong
makasama habang buhay o yung taong hindi mo makita
ang habang buhay kapag walasiya?
Sino ang mas matimbang... yung taong pag kasama
mo'y parang kay bilis ng oras o yung
taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?
ano ang susundin mo... ang dinidikta mo sa puso mo
o ang dinidikta ng puso mo syo?
sya ba un laging pumapasok sa isip mo o siya yung
laging laman ng panaginip mo?
Sino nga ba... ang taong nagpaluha syo, o ang
taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
Sino sa kanila... ang taong nagpapatawa syo o ang
taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?
SIno nga bang pipiliin mo???
ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO...
O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON???
..